Ang Corps Commander (Part I)
Ang Corps Commander (Part I)
Ano ba ang misteryo ng posisyong Corps Commander at hinahangad ito. Hindi man aminin ng iba, pero alam ko na walang pumasok sa Corps na hindi pinangarap ang posisyong ito. Ang mga ibabahagi ko sa artikolong ito ay ang aking pagsasalarawan at ilang kwento patungkol sa Corps Commander. Sinadya ko na hindi ko papangalanan at ibigay ang taon kung kelan naganap ang ilan sa mga kwento. Bahagi ng layunin ng artikolo ay magbigay aral para sa mga darating pang Corps Commander.
Ang Corps Commander ay posisyon ng mga gwapo. Minsan kahit hindi ka gwapo, gwagwapo ka bigla pag Corps Commander ka na. Kung gwapo ka na talaga, lalo ka pang gwagwapo. Adonis ang dating mo kapag ikaw ang "KOR".
Umaapaw rin sa kapangyarihan ang posisyon. Nung panahon namin mahigit 4,000 kadete ang pamumunuan mo. Isa munting gobyerno. Ikaw ang pungulo, meroon kang mga opisyales at ang mga kadete mo ang pangkaraniwang mamamayan.
Tatay ka rin sa iyong mga lower class. Nagtuturo, nagsesermon at minsan ay NAMAMALO!
Ngunit kasama ng lahat ng ito ang mabigat na responsibilidad. Ang pagdedesisyon sa ipapatupad na plano, pangangalaga sa lower class at pagpapanatili ng tradisyon. Ilan lamang ito sa responsobilidad ng isang "KOR". Ang imahen mo ang sasalamin sa termino ng class nyo.
Maigsi lamang ang isang taon na panunungkulan sa posisyong ito. Gugustuhin mo na sana humaba pa ng konti ang iyong termino. Ang bawat training day na dadaan ay ang mga huling training day na pamumunuan mo. Ang 1st training day ng 1st sem ay ang iyong una at huling 1st training day ng 1st sem. Walang training day na mauulit. Maiisip mo na noong lower class ka, ang haba ng isang taon o ng isang training day. Ngunit pag 1st class kana at lalo na pag ikaw ang "KOR", maigsi lng pala.
Sa panahong ikaw ang "KOR", aakalin mo na naisip mo ng lahat, marami na kayong pamana ng class nyo sa mga lower class, wala ng papantay sa achievement ng class nyo sa corps. Ngunit pagkatapos ng termino mo tsaka mo lng maiisip na masmarami ka pa sanang nagawa, bakit ngayon ko lng naisip ito, sayang.
Bida sa inuman ang "KOR". Special guest kung ituring kapag naimbithan sa alumni meeting ang corps. Special ka rin kapag dumalaw ang mga alumni sa corps at nagyaya ng inuman. Nde matutuloy ang inuman kapag nde ka kasama.
Masakit sa katawan ang maging "KOR". Ikaw ang sasalo sa pagkakamali ng lower class mo. Pero OK lng yon. Bahagi yan ng pagpapaala sa kakulanagn mo.
to be continued ....